| | "welcome to the real world.." sabi ng pretty kong friend
na ngaun ay isa ng 19 yr old single mom.
"buti ka pa, papasok ka pa
lang, may panahon ka pang pumili at umayaw. samantala ako, hindi na!
nasa huli ang pagsisisi!"
naisip ko, bakit ngaun pa sya nakaisip ng
ganun. samantalang dati, eh may panahon pa.
"Mas keri pa nga kong
tumalon na lang ako mula sa tuktok churva ng building. At least,
namatay akong intact ang dignidad at hindi nagpapalamon sa sistema.”
sabi nya.
naisip ko, bakit? anong mali sa nagawa mo? naisip ko ulit,
isa lang pala sya sa marami kong kakilala na araw-araw, segu-segundo ay
digmaan: digmaan ng kanilang paniniwala at realidad. at gaya sa mga
rally, magulo at marahas ang sagupaan ng kanilang mga damdamin. mahirap
talagang mamuhay sa takot at tukso.
pero ika nga ng bandang Garbage, "
the trick is to keep breathing.."
bigla niyang sambit" pero alam ko, makakaraos din ako."
sa isip-isip ko naman: " darating din tayo dyan.." |
| | Posted 5/23/2008 8:37 AM - 28 Views - 0 eProps - 0 comments
- recommend
    - recs0
- share
- email
 - sent0
Give eProps or Post a Comment |