xanga | sign in | private | sign out
About this Entry
Posted by: jenisafreak

Original: 4/30/2008 6:37 AM
Views: 32
Comments: 0
eProps: 0

Read Comments
Post a Comment
Back to Your Xanga Site



Wednesday, April 30, 2008

 
Healthy daw ang relationship kapag may away...

Naniniwala naman ako roon. Kaso masyado yata akong healthy at lage akong nang-aaway. Walang dahilan? Syempre meron. Hindi naman ako ganun kababaw pero mababaw ako kaya kahit maliit na bagay napapalaki ko. Lahat ng tungkol sa kanya, lahat ng ginagawa niya, BIG DEAL para sa aken. Pero baket ganun, kahit mahal ko siya nagagawa ko parin siyang awayin. Nagagawa ko pa rin siyang tiisin. Dahil ba alam kong hindi pa siya sawa na suyuin ako? O masyado lang ako nasanay na pagkaitan ang sarili ko ng kaligayahan?

Sooobra na talaga ako napaparanoid. Ngayon lang ulit ako umiyak. Yong literal na hagulhol. Bago ako natulog kagabi, umiiyak ako. Actually, habang kasama ko siya umiiyak din ako. Hanggang sa nakauwe ako. Akala ko matatpos pagkatulog ko, pero pagkagising ko eh umiyak na naman ako. Nanood ako ng American Idol para aliwin ang sarili ko. Katext ko siya noon. "Pinapagaan ang loob ko". Umiyak na naman ako. Ang sakit kasi talaga. Kung nasasaktan siya, pareho lang kami. Pero mas doble ang sakit ng sa akin.

Sobra talaga ako nagagalit kapag may ginagawa siya na hindi ko gusto. Noong una, magpapaalam siya tapos magsosorry. Hanggang sa dumating sa point na susuyuin na niya ako kasi may nagawa na namang siyang mali or hindi ko siya payagan sa gusto niya gawin etc. Hindi raw niya alam ang gagawin kapag nawala ako sa buhay niya. Ang sweet. Pero nakakainis. Nakakafrustrate. Kahit hindi niya ako binubugbog o sinasampal, feeling ko battered wife ako. Oo, sensitibo akong tao. Pero siya naman, insensitibo. Magandang kumbinasyon nga naman.

Oo, alam ko mahal na mahal niya talaga ako.

Madrama lang talaga ako.



 Posted 4/30/2008 6:37 AM - 32 Views - 0 eProps - 0 comments

Give eProps or Post a Comment

Choose Identity
(?)
 
Give eProps (?)
Post a Comment
Add Link | Preview HTML comment help 
Profile Pic:
Default  |  Choose »  (?)



Back to jenisafreak's Xanga Site!
Note: your comment will appear in jenisafreak's local time zone:
GMT -05:00 (Eastern Standard - US, Canada)