|
SubscriptionsSites I Read
|
|
|
|
| salamat sa pag-appreciate sa lahat ng bagay. kakornihan man o kahigpitan ko. para talaga
yun sayo. hindi yun sobra-sobra. wag kang
mag-alala. masaya ko na iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. kahit alam ko, nasasakal ka na. alam ko, naiintindihan mo ako! kung
may sobra-sobra man, eh yung nag-uumapaw na pagmamahal ko sa iyo. hehe!
masaya na ko na sa buong 10 buwan natin magkasama ay ganito pa rin tayo. physical presence mo pa lang masaya na ko.
ano pa kaya kung magpakasal na tayo? hehe! lakas ba fighting spirit?
siyempre pa! sabi ko naman sa iyo andito lang ako. hindi kita pababayaan.
kahit kailan walang makakasira sa meaning at importance ng presence mo sa buhay ko. kahit anong sakit pa yan, kahit ano pang problema man ang dumating...matatabunan yan ng
pagmamahal ko sa iyo. kaya patuloy pa din ang pag-celebrate...
happy 10th monthsary!!! mahal na mahal kita! 25 infinity!
| | |
| FINALLY....
pagkatapos ng napakaraming panahong nasayang, ako'y nagbabalik sa dalawang mahalagang pluggings:
UNA, sembreak kasi. wala na naman akong magagawa kundi KUMAIN, MAGBASA, at MANOOD NG TELEBISYON. hindi naman ibig sabihin noon ay magiging DAKILANG TAMBAY na naman ako, kasi nga may nabanggit akong GAWAIN eh di ba? sa madaling sabi, BALIK na naman ako sa GAWAIN ng isang TAONG WALANG PASOK! BWAHAHAHA!
PANGALAWA, nais kong ipaalam at buong pagmamalaking IPAGMAHILI sa inyo na sa WAKAS, sa buong DALAWAPUNG TAON ko sa MUNDO. Nabasa ko na rin ang TWILIGHT SAGA. kung kaya naman, nais ko ring ipaalam sa mga TWILIGHTERS dyan na: HINDI NYO NA AKO MAIINGGIT! HAHAHAHA!
yun lang :]
PS: nga pala mga friends, tarang manuod ng TWILIGHT the movie. nobyembre 21, 2008! go!
-jen
| | |
| "welcome to the real world.." sabi ng pretty kong friend
na ngaun ay isa ng 19 yr old single mom.
"buti ka pa, papasok ka pa
lang, may panahon ka pang pumili at umayaw. samantala ako, hindi na!
nasa huli ang pagsisisi!"
naisip ko, bakit ngaun pa sya nakaisip ng
ganun. samantalang dati, eh may panahon pa.
"Mas keri pa nga kong
tumalon na lang ako mula sa tuktok churva ng building. At least,
namatay akong intact ang dignidad at hindi nagpapalamon sa sistema.”
sabi nya.
naisip ko, bakit? anong mali sa nagawa mo? naisip ko ulit,
isa lang pala sya sa marami kong kakilala na araw-araw, segu-segundo ay
digmaan: digmaan ng kanilang paniniwala at realidad. at gaya sa mga
rally, magulo at marahas ang sagupaan ng kanilang mga damdamin. mahirap
talagang mamuhay sa takot at tukso.
pero ika nga ng bandang Garbage, "
the trick is to keep breathing.."
bigla niyang sambit" pero alam ko, makakaraos din ako."
sa isip-isip ko naman: " darating din tayo dyan.." | | |
| Healthy daw ang relationship kapag may away...
Naniniwala naman ako roon. Kaso masyado yata akong healthy at lage akong nang-aaway. Walang dahilan? Syempre meron. Hindi naman ako ganun kababaw pero mababaw ako kaya
kahit maliit na bagay napapalaki ko. Lahat ng
tungkol sa kanya, lahat ng ginagawa niya, BIG DEAL para sa aken. Pero
baket ganun, kahit mahal ko siya nagagawa ko parin siyang awayin. Nagagawa ko pa rin siyang tiisin. Dahil ba alam kong hindi pa siya sawa
na suyuin ako? O masyado lang ako nasanay na pagkaitan ang sarili ko ng
kaligayahan?
Sooobra na talaga ako napaparanoid. Ngayon lang ulit ako umiyak. Yong literal na hagulhol. Bago ako natulog kagabi, umiiyak ako. Actually, habang kasama ko siya umiiyak din ako. Hanggang sa nakauwe ako. Akala ko matatpos pagkatulog ko, pero pagkagising ko eh umiyak na naman ako. Nanood ako ng American Idol para aliwin ang sarili ko. Katext ko siya noon. "Pinapagaan ang loob ko". Umiyak na naman ako. Ang sakit kasi talaga. Kung nasasaktan siya, pareho lang kami. Pero mas doble ang sakit ng sa akin.
Sobra talaga ako nagagalit kapag may ginagawa siya na hindi ko gusto. Noong una, magpapaalam siya tapos magsosorry. Hanggang sa dumating sa point na susuyuin na niya ako kasi may nagawa na namang siyang mali or hindi ko siya payagan sa gusto niya gawin etc. Hindi raw niya alam ang gagawin kapag nawala ako sa buhay niya. Ang sweet. Pero nakakainis. Nakakafrustrate. Kahit hindi niya ako binubugbog o sinasampal, feeling ko battered wife ako. Oo, sensitibo akong tao. Pero siya naman, insensitibo. Magandang kumbinasyon nga naman.
Oo, alam ko mahal na mahal niya talaga ako.
Madrama lang talaga ako.
| | |
|
Kahapon: Tampuhan. Haaaay, slight lang. Na-miss lang siguro namin ang isa't isa. Kanina: Tampuhan again. Cool ka lang, lilipas din ito. Sana nga. Maya-maya: Ayun, okey na ulet kami. Sabi ko na sayo eh, konting himas lang haha. Joke lang.
*Pero sa totoo lang, masakit tumagos sa dibdib ang simpleng pagtatampo niya. T_T
| | |
|